Muli nang sinimulan ng Commission on Elections (Comelec) ang pag-iimprenta ng mga balota para sa 2025 midterm elections.
Nitong Lunes, Enero 27, nang inspeksyunin nina Comelec chairperson George Garcia, National Printing Office (NPO) Directors Revsee Escobedo, kasama sina Comelec Commissioners Ernesto Maceda Jr., at Rey Bulay ang printing machines at opisyal na mga balota ng MIRU Systems at NPO na gagamitin para sa darating na halalan.
Anang Comelec, nasa mahigit ₱1.5 milyong balota ang kanilang ipapa-imprenta kada araw.
Target daw ng ahensyang matapos ang pag-imprenta ng mga balota sa darating na Abril 14.
Matatandaang noong nakaraang linggo nang ipagpaliban ng Comelec ang pag-iimprenta ng mga balota matapos mag-isyu ang Korte Suprema ng temporary restraining orders (TROs) laban sa pagkadiskwalipika ng ilang senatorial aspirants.
Nakatakdang ganapin ang 2025 midterm elections sa Mayo 12, 2025.