Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Lunes, Enero 27, ang landslides at rockfalls na nadokumento nito sa ilang mga lugar sa Southern Leyte matapos ang yumanig ng magnitude 5.8 na lindol sa lalawigan kamakailan.
Matatandaang noong nakaraang Huwebes, Enero 23, dakong 7:39 ng umaga nang yanigin ng magnitude 5.8 na lindol ang San Francisco, Southern Leyte, kung saan nagdulot ito ng mga pinsala tulad ng pagkabitak ng kalsada.
MAKI-BALITA: Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8
MAKI-BALITA: Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!
Kaugnay nito, isang advisory ay inihayag ng Phivolcs na nagkaroon ng pagguho ng lupa sa mga sumusunod na lugar sa Southern Leyte:
* Brgy. Pres. Quezon, Liloan
* Brgy. Pinamudlan, San Francisco
* Brgy. Tuno, San Francisco
* Brgy. Malico, San Francisco
* Brgy. Nueva Estrella Norte, Pintuyan
* Brgy. Nueva Estrella Sur, Pintuyan
Bukod dito ay nagkaroon naman ng rockfall events sa kahabaan ng Liloan Roadcut.
“AVOID areas that may be affected by LANDSLIDES which may be triggered by strong ground shaking or prolonged and heavy rain,” paalala ng Phivolcs.