February 23, 2025

Home BALITA

Luke Espiritu, siguradong mananalo kung boboto lahat sa interes ng uring-manggagawa

Luke Espiritu, siguradong mananalo kung boboto lahat sa interes ng uring-manggagawa
Photo Courtesy: Luke Espiritu (FB)

Tila buo ang kumpiyansa ni labor leader Atty. Luke Espiritu na makakakuha siya ng posisyon sa senado sa darating na Halalan 2025.

Sa isang Facebook post ni Espiritu noong Linggo, Enero 26, sinabi niyang mananalo raw siya sa 2025 kung lahat ng Pilipino ay boboto na bitbit ang interes ng uring-manggagawa.

“40 million ang manggagawa ng Pilipinas. Kung lahat tayo ay bumoto na dala-dala ang interes ng ating uri, sigurado tayong mananalo sa 2025,” pahayag ni Espiritu.

Dagdag pa niya, “Wawakasan natin ang sistemang kontraktwal at itataas natin ang sahod ng manggagawa sa nakabubuhay na sahod.”

National

DOH, muling pinabubuksan 'dengue fast lanes' ng mga ospital

Matatandaang naghain ng kandidatura sa pagkasenador si Espiritu kasama si Ka Leody De Guzman sa The Manila Hotel Tent City noong Oktubre 2024.

Sa kasalukuyan, kabilang si Espiritu sa lineup ng mga senador na inendorso ng koalisyong 1Sambayan para sa darating na 2025 midterm elections.

MAKI-BALITA: 1Sambayan, nag-endorso na ng mga senador, partylist para sa 2025 midterm elections