Nagpaabot ng pasasalamat si senatorial aspirant Atty. Luke Espiritu sa pag-endorso sa kaniya ng koalisyong 1Sambayan para sa 2025 midterm elections.
Nitong Linggo, Enero 26, nang inanusyo ng 1Sambayan ang walong kandidato sa pagkasenador na kanilang iniendorso sa darating na halalan, kung saan kasama rito si Espiritu.
MAKI-BALITA: 1Sambayan, nag-endorso na ng mga senador, partylist para sa 2025 midterm elections
“Lubos ang pasasalamat #25 Luke Espiritu sa endorsement ng alyansang 1Sambayan sa pangunguna nina Justice Antonio Carpio, Atty. Howie Calleja, at ni former COA Commissioner #45 Heidi Mendoza sa ating Senador ng Manggagawa,” ani Espiritu sa kaniyang post nitong Lunes, Enero 27.
“Itinayo noong 2021 bilang isa sa mga pwersang oposisyon kina Marcos at Duterte, magkasama nating lalabanan ang mga pwersa ng Kadiliman at Kasamaan,” dagdag pa niya.
Tatakbo si Espiritu bilang senador kasama ang kaniyang kapwa lider-manggagawang si Ka Leody de Guzman.
MAKI-BALITA: Ka Leody, Luke Espiritu, tatakbong senador sa 2025
Nakatakdang ganapin ang halalan sa darating nay Mayo 12, 2025.