January 28, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Jimmy Bondoc nagpaliwanag bakit tumakbong senador, hindi party-list rep

Jimmy Bondoc nagpaliwanag bakit tumakbong senador, hindi party-list rep
Photo courtesy: Screenshot from Atty. Jimmy Bondoc for Senator Movement (FB)

Ipinaliwanag ng singer at tumatakbo sa pagkasenador na si Jimmy Bondoc ang dahilan kung bakit mas pinili niya umanong kumandidato sa pagkasenador kaysa sa representative ng isang party-list.

Sa panayam sa kaniya ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kamakailan, sinabi raw ni Jimmy na noong una, balak daw sana niyang tumakbo bilang party-list representative, subalit matapos niyang kumonsulta sa mga eksperto, sinabi ng mga ito na mas may pag-asang manalo ang isang celebrity sa senado kasi hindi single vote. Sa political reason daw, iyon daw ang kaniyang dahilan.

Para naman daw sa personal na rason, pakiramdam daw ni Jimmy ay kaya niyang magamit ang karunungan sa batas at koneksyon sa legal community para sa legislative capacity sa Upper House.

Matatandaang bukod sa pagiging singer ay isa nang ganap na abogado si Jimmy matapos makapasa sa Bar noong 2023.

Tsika at Intriga

Ilang panindang beauty products ni Rosmar, 'di raw pasado sa FDA

At dahil dito, kung sakali raw na mananalong senador si Jimmy, isa raw sa kaniyang legislative agenda ay ang kapakanan ng music and arts industry. Naniniwala raw siyang mahalaga ito, dahil ang industriya raw ang bumuhay sa mental health ng mundo sa panahon ng pandemya.

Kahit daw may National Commission for Culture and the Arts (NCCA) na, a pananaw daw ni Jimmy ay kailangang ihiwalay ang komisyon para sa performing artists.

"I’m hoping in creating budget and the commission," paliwanag pa niya sa panayam ng PEP.

Samantala, sa "Sukatan 2025" naman ng SMNI noong Linggo, Enero 26, sinabi ni Jimmy na siya ay karapat-dapat iboto dahil siya raw ay "musika," at kagaya raw ng lagi niyang sinasabi sa mga talumpati, ang musika raw ay napakaganda dahil hindi ito makapagsisinungaling. 

"Maaaring magsinungaling ang mga letra ngunit ang himig nito, ang melodiya, ay hindi makakapagtago. Kapag maganda, maganda at kapag hindi, hindi."

"Ako po ay laging magsasabi sa inyo ng totoo. At ang totoo po ay ito. Hindi po talaga mauubos ang problema ng bayan natin. At kailangan po natin ng diplomasya at disiplina sa senado. Kasi po, noong araw, ang mga problema natin ay ang problema lamang, ngayon ang problema natin mga mambabatas natin, araw-araw nagbabangayan..." pahayag pa ng senatorial candidate.