Nagpasalamat si dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. dahil sa pinagkaloob sa kaniyang executive clemency.
Nitong Lunes, Enero 27, nang kumpirmahin ni Executive Secretary Lucas Bersamin na pinagkalooban ni Marcos ng executive clemency si Mabilog dahil daw sa “longstanding commitment to good governance” nito.
“In view of former Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog's longstanding commitment to good governance, coupled with awards and recognition received by Iloilo City under his leadership, the President granted Mabilog's petition for executive clemency in connection with his administrative case, thereby removing the penalties or disabilities resulting from such case,” ani Bersamin sa isang pahayag.
MAKI-BALITA: PBBM, pinagkalooban ng executive clemency si Ex-Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog
Base sa panayam ng ABS-CBN News, sinabi ni Magalong na “maligayang-maligaya” siya sa ipinagkaloob na executive clemency ni Marcos.
“Nagpapasalamat tayo kay President Bongbong Marcos Jr. dahil nakita niya kung ano ang karapat-dapat para sa mga Ilonggo at saka sa Lungsod ng Iloilo at iyon ang mabigyan ng hustisya ang aming lungsod,” ani Marcos.
“Nakita niya na from 2010 to 2017, merong good governance ang Iloilo City under my leadership kaya yun ang naging malaking rason kung bakit binigyan tayo ng executive clemency ng ating mahal na presidente,” dagdag pa niya.
Sinabi rin ni Mabilog na magbibigay raw sa kaniya ang executive clemency ni Marcos ng “redemption” sa kung ano man ang ibinabato sa kaniya noon.
Matatandaang noong nakaraang taon nang bumalik sa bansa si Mabilog at nagpiyansa para sa pansamantalang kalayaan hinggil sa mga kasong graft na inihain laban sa kaniya ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan.
Taong 2016 naman nang makasama ang dating alkalde sa drug watchlist ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Inakusahan ni Duterte si Mabilog na “majoy drug protector,” bagay na paulit-ulit naman niyang itinanggi.