January 29, 2025

Home BALITA

Driver na pinaratangang nag-m*sturb*te habang nagmamaneho, naabsuwelto na

Driver na pinaratangang nag-m*sturb*te  habang nagmamaneho, naabsuwelto na
Photo courtesy: Jerricho Narvaez (FB), Freepik

Lumabas na ang resulta ng imbestigasyon hinggil sa kaso ng pinagbintangang driver na nag-m*sturb*te umano sa loob ng kotse habang may sakay na dalawang estudyante.

Ayon sa inilabas na pahayag ng pamunuan ng Grab nitong Lunes, Enero 27, napatunayan daw na walang-sala ang driver matapos i-review ang Audio Protect recording.

“After a comprehensive review of the Audio Protect recording from the trip, the driver-partner's profile, and performance history, we found no conclusive evidence to support the allegations or indicate any malicious intent,” saad ng Grab.

“We have met with the passenger's family and the driver-partner separately to share the findings of our investigation,” pagpapatuloy nila. “During these discussions, we listened to their concerns and provided support on issues that required clarification. We deeply appreciate their willingness to engage constructively in resolving the matter.”

CHED, may show cause order sa isang paaralan sa QC dahil sa 'off-campus activity'

Sa kasalukuyan, in-activate na raw ulit ang account ng nasabing driver. Binayaran na rin ang sweldo nito para sa araw na hindi ito nakapasada sang-ayon sa kanilang umiiral na standard operation procedure.

“We understand the challenges faced by both passengers and driver-partners in such situations and remain committed to ensuring fairness and understanding,” dugtong pa ng Grab.

Sa huli, tiniyak ng Grab na pananatilihin ang kanilang dedikasyon na pangalagaan ang kanilang platform kung saan mararamdaman ng driver at pasahero na sila ay pinahahalagahan, iginagalang, at ligtas.

MAKI-BALITA: Driver, pumalag sa umano'y bintang ng pasaherong estudyante na nagma-m*sturb*te siya