Yumanig ang isang magnitude 4.4 na lindol sa probinsya ng Cotabato dakong 2:40 ng hapon nitong Lunes, Enero 27.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 408 kilometro.
Namataan ang epicenter nito 4 kilometro ang layo sa hilagang-kanluran ng Alamada, Cotabato.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.