January 27, 2025

Home BALITA Internasyonal

Transplant patient na ginamitan ng kidney ng baboy, buhay pa rin!

Transplant patient na ginamitan ng kidney ng baboy, buhay pa rin!
Photo courtesy: AP News

Kinilala ang isang babaeng transplant patient mula Alabama na dalawang buwan nang nabubuhay gamit ang kidney ng baboy.

Ayon sa ulat ng Associated Press (AP), tanging apat na pasyente lamang mula sa Amerika ang nakatanggap ng gene-edited pig organs kung saan dalawa sa kanila ay puso ng baboy habang dalawa naman ang kidney, ngunit wala umano sa kanila ang nabuhay ng mahigit dalawang buwan.

Taong 1999 nang i-donate ng transplant patient na si Looney ang kaniyang isang kidney sa nanay niya. Nagsimula umanong magkaroon ng komplikasyon si Looney dulot ng kaniyang pagbubuntis. Tinatayang walong taon ding sumailalim si Looney sa dialysis session bago tuluyang magkaroon ng option sa oig experiment.

“If you saw her on the street, you would have no idea that she’s the only person in the world walking around with a pig organ inside them that’s functioning,” ani Dr. Robert Montgomery ng Langone Health. 

Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage

Pinahihintulutan lamang umano ng Food and Drug Administration ang pagsasagawa ng pig organ transplant para sa mga umano’y “compassionate use” cases  o mga pasyenteng wala na raw ibang pagpipilian para sa kanilang medikal na atensyon.