April 02, 2025

Home SHOWBIZ

Sofronio sa lahat ng mga nangangarap gaya niya: 'Honor your parents!'

Sofronio sa lahat ng mga nangangarap gaya niya: 'Honor your parents!'
Photo courtesy: Screenshot from Toni Talks (YT)

Tumatak sa isipan ng mga netizen ang payo ni "The Voice USA Season 26" Sofronio Vasquez para sa lahat ng mga gaya niyang naging talunan muna, nagsumikap, kumayod, at nangarap hanggang sa makamit niya ang hinihintay na tagumpay sa Amerika.

Sa panayam sa kaniya sa "Toni Talks" noong Enero 19, naibahagi ni Sofronio na ang naging inspirasyon daw niya sa pagkanta ay ang pamilya, lalo na ang kaniyang yumaong ama.

Sa pumanaw na ama raw niya nakuha ang talento sa pag-awit, na binawian ng buhay dahil hindi na kinaya ang dialysis.

Naging emosyunal si Sofronio nang muli niyang balikan ang mga alaala noong nabubuhay pa ang ama, at ilang beses silang nasunugan. Naalala pa ni Sof na ipinangako raw sa kaniya ng ama noon na magkakaroon din sila ng sariling bahay, at hindi na nila kailangan pang masunugan ulit.

Hollywood actor Val Kilmer, pumanaw na

Naluha rin si Sofronio nang balikan niya ang moment na nanalo siya sa The Voice at nang magkita na sila ng kaniyang ina sa Pilipinas.

Nang tanungin ni Toni si Sofronio na ngayong nanalo na siya at alam na niya ang pakiramdam ng manalo sa buhay, ano raw ang gusto niyang i-share sa mga nangangarap na gaya niya.

"Huwag mo lang kalimutan na when you dream, you have to do the hardwork. May mga pangarap kasi na ibibigay sa 'yo na hindi mo siya maga-grasp. Hindi mo mananamnam kasi kumbaga blessing lang ba, gano'n. Nasa iyo na 'yan. Pero 'yong kumakayod ka talaga, ginapang [sundot ni Toni], ang sarap."

"And don't forget that at the end of it all, you just have to honor your parents," giit pa ni Sofronio.

"Kasi minsan nakakalimutan ng ibang tao, kapag sobra na nilang successful, naiiwan na nila 'yong family especially parents. Tumatanda rin sila. Kaya hangga't kaya mong sabihing 'I love you!' na hindi ko na masasabi sa Papa ko, sabihin ko kay Mama. Lahat ibubuhos ko sa kaniya."

Bilang pagwawakas, hindi napigilan ni Sofronio ang pagbuhos ng mga luha ng kantahin niya ang "Bato sa Buhangin" na lagi at paborito raw na kinakanta ng kaniyang ama noong nabubuhay pa.