January 27, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Gerald, Enzo, at Sandro nagsanib-puwersa kontra sexual harassment

Gerald, Enzo, at Sandro nagsanib-puwersa kontra sexual harassment
Photo courtesy: Gerald Santos (FB)

Matagumpay na naidaos ng singer na si Gerald Santos ang kaniyang "Courage" concert sa Skydome ng SM North EDSA, Quezon City, noong Biyernes, Enero 24.

Kasabay rin ng kaniyang concert ang paglulunsad ng "Courage Movement" na siya mismo ang nagsusulong para daw labanan ang sexual harassment, rape, at iba pang porma ng sexual abuse.

Matatandaang noong 2024 ay ganap na bumoses si Gerald sa naranasan daw niyang pang-aabuso mula sa isang musical director sa GMA Network, at 'di naglaon, matapang niyang pinangalanan ito na si Danny Tan, ang isa sa mga naging hurado sa singing competition na kaniyang sinalihan noong bagets pa siya.

MAKI-BALITA: Gerald Santos, lumuwag-dibdib matapos pangalanan ang umabuso sa kaniya 

Tsika at Intriga

Ilang panindang beauty products ni Rosmar, 'di raw pasado sa FDA

MAKI-BALITA: Gerald Santos, pinangalanan na umabuso sa kaniya

Special guests niya sa concert ang dalawa pang nagsalitang nakaranas ng sexual harassment.

Ito ay sina Enzo Almario at Sandro Muhlach.

Si Enzo, ay lumitaw at nagsalita tungkol sa pang-aabuso nang magsalita na rin si Gerald, dahil parehong tao lamang daw ang kanilang tinutukoy. Pareho din sila ng singing competition na pinagmulan.

KAUGNAY NA BALITA: 1 pang biktima ng musical director na gumahasa umano kay Gerald Santos, lumitaw!

Habang si Sandro naman, inireklamo ang dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz, na umabot pa nga sa senado ang eskandalo.

Noong Oktubre 2024 ay kinasuhan na sila ng Department of Justice (DOJ) ng one count of rape through sexual assault at two counts of acts of lasciviousness. 

KAUGNAY NA BALITA: Dalawang independent contractors na inireklamo ni Sandro, kinasuhan na ng DOJ

Sa kaniyang Facebook post ay nagpasalamat naman si Gerald sa lahat ng mga dumalo sa kaniyang concert, gayundin sa mga nagpahayag ng suporta nila sa Courage Movement.

Pinasalamatan din niya ang special guests/performers na sumama sa kaniya gaya nina Aicelle Santos, Sheryn Regis, Erik Santos, at siyempre, sina Enzo at Sandro.