Sa kaniyang pakikiisa sa paggunita ng Al-Isra Wal Mi'raj nitong Linggo, Enero 26, ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na sana raw ay magbigay ng inspirasyon ang Islamic event para sa pagkakaisa at katatagan ng bansa.
“In the name of Allah, the Most Gracious, the Most Merciful, I join the Muslim Filipino community in observing Al Isra Wal Miraj,” ani Marcos sa isang pahayag.
Binanggit din ng pangulo na ang Islamic event, na umaalala sa paglalakbay sa gabi at pag-akyat sa langit ni Propeta Muhammad ay sumisimbolo sa matatag na debosyon at espirituwal na katatagan ng mga kapatid na Muslim sa pagpaparangal kay Allah.
“His miraculous journey to find greater spiritual truth, knowledge, and revelation reflects the deep commitment of the faithful to understand the significance and purpose of their continuing traditions of faith,” aniya.
Hiniling din ni Marcos na maging paalala raw sana ang kaganapan na ang katagumpayan ay isang gantimpala ng kasipagan at katatagan sa bawat hamon ng buhay.
“As you venerate this historic miracle through supplication and prayer, may its essence inspire among the Muslim faithful the value of perseverance through hardship and grief,” saad ni Marcos.
“Let this observance also serve as a reminder that success is the reward of diligence and amity, and that sacrifice, persistence, and faith can guide us towards realizing our shared purpose in building a peaceful and progressive nation for all.
“I wish you a meaningful and solemn observance,” dagdag pa niya.