Naglabas ng pahayag ang Saint Paul University Quezon City kaugnay sa bintang ng estudyante nilang binastos umano ng driver dahil sa pagsasarili umano nito sa loob ng sasakyan.
Sa isang Facebook post ng paaralan noong Sabado, Enero 25, sinabi nilang naiulat na umano sa mga awtoridad ang naturang insidente.
“The matter has been reported to the appropriate authorities, and we encourage everyone to allow the investigation to take its course,” saad ng Saint Paul.
“We recognize that the digital platform, while powerful, can be volatile and often does not promote the resolution of sensitive situations,” anila.
Dagdag pa ng paaralan, “Let us be mindful of our words and actions, fostering a culture of understanding, empathy, and online and offline accountability.”
Matatandaang matapos kumalat sa social media ang post ng kanilang estudyante tampok ang karanasan nito sa nasakyang kotse, tinugon ng driver ang mabigat na paratang.
Ayon sa driver, hindi raw siya naglabas ng ari at nag-m*sturb*te sa loob ng sasakyan kung saan nakasakay ang estudyante pati ang kapatid nito.
"Ako po ay isang pamilyadong tao at may dalawang anak na babae kaya matindi po ang aking respeto sa kababaihan," depensa niya sa isang bahagi ng post.
MAKI-BALITA: Driver, pumalag sa umano'y bintang ng pasaherong estudyante na nagma-m*sturb*te siya
Samantala, ayon naman sa pamunuan ng Grab, nakikipagtulungan sila sa mga awtoridad hinggil sa insidente.
"Grab is here to be fair to both our drivers and passengers. When serious complaints come up, we temporarily pause the driver's account to make sure we can investigate properly and fairly. We're working closely with everyone involved, including law enforcement, to get to the truth and resolve this right away."