January 27, 2025

Home BALITA Probinsya

Huli man daw at magaling, naihahabol din! 77-anyos, sumabak sa libreng tuli

Huli man daw at magaling, naihahabol din! 77-anyos, sumabak sa libreng tuli
Photo courtesy: Pexels

Ang pagpapatuli ay isang pamilyar na medical process para sa kalalakihan kung saan tinatanggal ang balat na bumabalot sa ulo ng ari ng lalaki, na tinatawag na prepuce o balat ng ari.

Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang minor surgery upang linisin at tanggalin ang prepuce. Karaniwang ginagawa ito sa pamamagitan ng isang doktor o surgically trained na dalubhasa, at ito ay may iba't ibang mga dahilan, kabilang ang relihiyon, lahi, kultural, o medikal na dahilan.

Sa Pilipinas, karaniwan ang pagpapatuli o circumcision sa mga lalaki, subalit nasanay ang lahat na isinasagawa ito sa teenage years ng isang kabataang lalaki.

Kaya naman, kung ang isang lalaking magpapatuli ay nasa adult age na at hindi pa tuli, hindi naiiwasan ng ilan na mapagtawanan sila, lalo na kung may edad na ang pagsasagawa nito.

Probinsya

Lalaking nabalian ng buto matapos mapeke ng chiropractor, pumanaw na

Ngunit sa Maguindanao Del Sur, hindi pinalagpas ng isang 77 taong gulang na lalaki ang pagkakataong makapagpatuli sa isinagawang "Libreng Tuli Program" ng kanilang lokal na pamahalaan.

Sa ulat ng isang lokal na media outlet, nagsagawa ng libreng medical outreach program ang Maguindanao del Sur Provincial Government, at isa sa mga kumasa sa libreng tuli ay ang nabanggit na senior citizen.

Hindi lamang siya ang adult na sumabak sa tuli kundi napaulat na mayroon pa raw 40-anyos, 31-anyos, at isang 21-anyos.

Ayon daw sa 77 taong gulang na nagpatuli, umabot sa ganoong edad ang kaniyang pagpapatuli dahil sa kakulangan ng kaalaman at oportunidad noong medyo bata-bata pa siya.