Inalok ng tulong ng social media personality na si Rendon Labador ang driver na pinaratangang nagsarili umano sa loob ng minamaneho nitong sasakyan habang may sakay na dalawang estudyanteng pasahero.
Matatandaang hindi muna makakapasada ang driver dahil gumugulong pa umano ang imbestigasyon matapos kumalat ang nasabing isyu kamakailan.
MAKI-BALITA: Driver, pumalag sa umano'y bintang ng pasaherong estudyante na nagma-m*sturb*te siya
Ayon sa pamunuan ng Grab, nakikipagtulungan sila sa mga awtoridad hinggil sa insidente.
"Grab is here to be fair to both our drivers and passengers. When serious complaints come up, we temporarily pause the driver's account to make sure we can investigate properly and fairly. We're working closely with everyone involved, including law enforcement, to get to the truth and resolve this right away."
Kaya sa latest Facebook post ni Rendon nitong Linggo, Enero 26, sinabi niyang pwede raw umekstra sa kaniya ang driver habang walang biyahe pansamantala.
“Kuya Grab driver habang wala kang byahe ngayon dahil suspindido ka, ako muna ipag drive mo umextra ka muna sakin para maka tawid ka sa pang araw araw. I message mo ako, kahit papano ay makatulong ako sayo kahit kaunti,” saad ni Rendon.
Bukod dito, naghayag din siya ng pagkadismaya sa paaralan ng nasabing estudyante dahil sa akusasyon nito sa driver.
Aniya, “Ganda pa naman ng skwelahan tapos ganyan ang magiging ugali ng mga studyante ninyo, sana paki ayos ho ito.. nakaka sira ng inyong magandang standing. Nag tratrabaho lang yung tao na suspinde pa ”
“Matagal ko na sinasabi ibalik ninyo ang GMRC sa mga skwelahan, palala na ng palala ang mga kabataan ngayon. Lumalaking walang modo at respeto sa mga mas nakakatanda NAWALAN NA NG MANNERS ANG MGA STUDYANTE,” dugtong pa niya.
Samantala, naglabas na ng pahayag ang paaralang pinapasukan ng estudyante at sinabing naiulat na raw sa mga awtoridad ang naturang insidente.
MAKI-BALITA: Paaralan, nagsalita tungkol sa nag-m*sturb*te umanong driver sa estudyante nila