January 27, 2025

Home BALITA National

903 pulis, natanggal sa serbisyo noong 2024 – PNP chief Marbil

903 pulis, natanggal sa serbisyo noong 2024 – PNP chief Marbil
PNP Chief Rommel Marbil (MB file photo)

Inihayag ni Philippine National Police (PNP) chief Rommel Marbil na 903 pulis ang natanggal sa serbisyo noong taong 2024 dahil umano sa iba’t ibang paglabag.

Base sa ulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Marbil na kabilang sa mga natanggal na pulis sa patuloy na internal cleansing ng PNP ang limang officers na may ranggong lieutenant colonels, anim na majors, 12 captains, at limang lieutenants.

Kabilang umano ang naturang mga natanggal sa serbisyo sa kabuuang 2,765 pulis na pinarusahan dahil sa mga kasong administratibo mula sa simple hanggang sa grave misconduct.

Binanggit din ng hepe ng PNP na kasama sa mga penalty na kanilang ibinaba ang demotion sa 108 pulis, forfeiture of salary sa 103 pulis, reprimand sa 423 pulis, at restriction and withholding of privileges sa 108 pulis.

National

Impeachment vs VP Sara, wala nang oras para matuloy – majority solons

“These figures demonstrate the unstinting commitment of the PNP leadership to cleanse its ranks of bad eggs while strictly adhering to due process,” ani Marbil.

“Our efforts reflect the PNP’s resolve to ensure accountability and maintain the trust of the Filipino people," saad pa niya.

Matatandaang kamakailan lamang ay sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na kinokonsidera niyang palawigin ang termino ni Marbil.

MAKI-BALITA: PBBM, kinokonsiderang i-extend termino ni Marbil bilang PNP chief