Pinabulaanan ni re-electionist at Sen. Imee Marcos ang lumabas na ulat kamakailan ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) na umano'y gumasta siya ng mahigit ₱1 bilyon para sa kaniyang political ads o pangangampanya para sa nalalapit na 2025 midterm elections.
Sa panayam sa kaniya ng media at sa ulat na rin ng People's Television Network (PTV), tahasang sinabi ni Sen. Imee na hindi totoo ito dahil wala siyang ganoong kalaking pera para pondohan ang kaniyang kandidatura sa muling pag-asam na maupo bilang senador.
"[Naku] naman, kung may ganiyan klase akong pera, gusto ko 'yan kung may ganiyan klase akong pera, binili ko na lang ng bigas at saka Nutri Bun... I'd rather spend it for that... that's not true at all, so I wish we could prove and show, in fact we don't spend that kind of money," saad pa ng senadora.