Mararamdaman na ng mga motorista ang kauna-unahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo matapos ang tatlong linggong sunod-sunod na oil price hike magmula nang pumasok ang 2025.
Sa panayam ng isang lokal na pahayagan kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, magsisimula ang rollback sa darating na Enero 28, 2025.
Bunsod nito maglalaro ang presyo ng produktong petrolyo at gasolina sa:
Gasoline - ₱0.70 to ₱1.00/liter
Diesel - ₱0.20 to ₱0.55/liter
Kerosene - ₱0.40 to ₱0.50/liter
May kinalaman din umano ang muling pagbalik ni US President Donald Trump at ang taripang isinusulong nito sa global market.
"Market considers how US President Donald Trump’s proposed tariffs could affect global economic growth and demand for energy," saad ni Romero.
Matatandaang noong Enero 3 nang unang umarangkada ang pagtaas ng presyo ng diesel at gasolina habang nasundan naman ito noong Enero 13 at Enero 21.
KAUGNAY NA BALITA: Unang oil price hike sa 2025, maaaring sumipa sa susunod na linggo
KAUGNAY NA BALITA: Presyo ng produktong petrolyo muling magtataas simula Enero 14