April 25, 2025

Home BALITA National

‘Mas tumaas pa!’ 13.2M pamilyang Pinoy, kinokonsidera mga sarili bilang ‘mahirap’ – OCTA

‘Mas tumaas pa!’ 13.2M pamilyang Pinoy, kinokonsidera mga sarili bilang ‘mahirap’ – OCTA
MB file photo

Tinatayang 13.2 milyon o 50% ng mga pamilyang Pilipino ang itinuturing ang kanilang mga sarili bilang “mahirap” sa ikaapat na quarter ng 2024, kung saan mas mataas ito kumpara sa 43% na datos noong 3rd quarter ng naturang taon, ayon sa OCTA Research.

Base sa Tugon ng Masa survey ng OCTA na inilabas noong Biyernes, Enero 24, mas mataas ang naturang self-rated poverty noong 4th quarter ng 2024 kumpara sa 11.3 milyong pamilya 43% na naitala noong 3rd quarter ng taon.

Ayon daw sa mga pamilyang itinuturing ang kanilang sariling mahirap, ₱25,000 kada buwan ang ‘median amount’ na kailangan nila para sa home expenses upang makonsidera nila ang kanilang mga sariling hindi mahirap.

“Families reported requiring a median of ₱8,000 more each month to escape poverty,” dagdag ng survey.

National

'Gagawin nating alaala, kasaysayan na lang ang mahal na bigas!'—Romualdez

Samantala, nasa 6% lamang daw ng mga pamilyang Pilipino ang nagsabing hindi sila mahirap noong ikaapat na quarter ng 2024.

Inihayag naman ng natitirang 44% ng mga respondent na hindi nila masasabi kung mahirap o hindi ang kanilang pamilya.

Isinagawa raw ang nasabing survey mula Nobyembre 10 hanggang 16, 2024 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents na ang edad ay 18 pataas.