Inalala ni Vice President Sara Duterte ang kabayanihan ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) na nasawi sa madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.
Sa isang mensahe nitong Sabado, Enero 25, binanggit ni Duterte na isa umanong paalala ang kabayanihan ng SAF 44 ng kahalagahan ng “national unity” at “collective responsibility” para protektahan ang seguridad ng bansa.
“The National Day of Remembrance of the Heroic Sacrifice of the SAF 44 is a powerful reminder of the importance of national unity and our collective responsibility to protect our country's security.”
“Nine years have passed since the heartbreaking events in Mamasapano, but the memory of the SAF 44 lingers on in our hearts,” ani Duterte.
“On this solemn anniversary, we remember their sacrifice, bravery, and unwavering commitment to duty. Their courage in the face of unimaginable danger is a testament to their patriotism and dedication to serving our nation,” dagdag niya.
Hiniling din ng bise presidente na magsilbing leksyon at inspirasyon daw sana ang nangyari sa SAF 44 upang kilalanin ang mga nagsisilbi sa law enforcement na gumagawa ng mga paraan para sa mas ligtas na hinaharap para sa mga Pilipino.
“As we continue to honor their lives and extend our deepest condolences to their families and loved ones, let us also acknowledge the complexities and dangers faced by those who serve in law enforcement and the armed forces,” ani Duterte.
“May the lessons learned from this tragic loss inspire us to work together to overcome challenges and strive for a safer and more secure future for all Filipinos,” dagdag pa niya.
Matatandaang noong Enero 25, 2015 nang masawi ang 44 miyembro ng SAF nang isagawa nila ang “Oplan Exodus” na naglalayong tugisin ang secret hideout ni Zulkifli bin Hir, o mas kilala bilang Marwan, at Basit Usman sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.
MAKI-BALITA: BALITAnaw: Ang pagbubuwis ng buhay ng SAF 44, isang dekada ang nakalipas