Isa ang Pilipinas sa mga bansang lubhang naimpluwensyahan ng mga Tsino pagdating sa kultura, na nakaugat na rin sa mayabong na kasaysayan ng bansa. Patunay riito ang magpahanggang sa ngayo’y pakikilahok ng buong bansa sa pagpasok ng Chinese New Year at ang lugar ng Binondo sa Maynila na simbolo rin sa dantaong relasyon ng Pilipinas at China sa kultura at etnisidad.
Bagama’t malaking populasyon pa rin ng Pilipinas ay Kristiyanismo, may bahagi pa rin sa porsyento ang pagyakap ng mga Pilipino sa paniniwala ng mga Chinese. Kaya naman bago tuluyang sumapit ang Chinese New Year sa Enero 29, 2025, narito ang ilan sa mga Chinese temple sa Maynila na bukas at maaaring bisitahin ng mga Pilipino.
Fo Guang Shan Mabuhay Temple (Malate, Maynila)
Sa Malate, Maynila matatagpuan ang isa sa mga Chinese Temple na may makukulay at mainit na pagsalubong sa Chinese New Year.
Kilala ang Fo Guang Shan Mabuhay Temple sa mga templo na may iba't ibang aktibidad na bukas sa lahat katulad ng youth camps, Festival of Light and Peace at Dharma Lessons.
Kuang Kong Temple (Binondo, Maynila)
Bilang pinakamatandang Chinatown sa buong mundo ang Binondo sa Maynila, isa rin mga hindi pinalampas ng mga turista na puntahan dito ay ang Kuang Kong Temple.
Pinaniniwalaang ipinangalan sa isang diyos, ang Kuang Kong Temple ay isa rin sa mga dinarayo sa Binondo kung saan kalimitang nagpagpapahula at humihingi ng payo tungkol sa kani-kanilang kapalaran ang ilang deboto.
Filipino-Chinese Taoist Temple of Manila (Binondo, Maynila)
Sa Binondo rin matatagpuan ang isa pang Chinese temple na kalimitan din umanong binibisita ng mga Pinoy sa tuwing papalapit na ang Chinese New Year. Mayroon ding meditation services sa nasabing templo para sa mga nagnanais na magnilay-nilay. Maaari ding mag-alay dito ng mga pagkain para sa mga naghahangad ng masaganang pagpasok ng Bagong Taon.
Seng Guan Temple (Tondo, Maynila)
Ang Seng Guan Temple din ang isa sa mga pinakamalaking Chinese temple sa naturang lugar. Dito rin nakalagak ang ilang rebultong nakalaan para mga Buddha. Marami ang dumadayo rito sa para magsindi ng insenso na ilang Chinese candles na pinaniniwalaang nagbibigay ng maayos na pagpasok ng Bagong Taon.
Ocean Sky Chan Monastery (Little Baguio, San Juan)
Sa lungsod naman ng San Juan nakalagak ang Ocean Sky Chan Monastery na kilala sa libreng Zen meditation classes nito. Sa tuwing sasapit ang Chinese New Year, nagsasagawa ng pagbabasbas sa nasabing templo at pagpapatunog sa Dharma dum at Bodhi Bell.
Ilan lamang ang mga templong nabanggit sa mga Chinese temple na hindi na lamang laan para sa mga lehitimong Tsinoy ngunit bukas din upang ipakita ang malawak at malalim nilang paniniwala at pananampalataya higit lalo sa tuwing sasapit ang Chinese New Year.