January 25, 2025

Home BALITA Eleksyon

Mga lumabag sa election gun ban, pumalo na sa 334—PNP

Mga lumabag sa election gun ban, pumalo na sa 334<b>—PNP</b>
Photo courtesy: Manila Bulletin/Facebook

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na umabot na sa 334 katao ang naaresto dahil sa paglabag sa election gun ban.

Ayon sa GMA News Online mula sa datos ng PNP, Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamaraming paglabag na may 95 bilang ng mga naaresto, sumunod ang Central Luzon na may 79 at Central Visayas na may 36 na mga paglabag.

May mga naitala rin umano ang PNP na uniformed personnel na lumabag sa naturang gun ban, kung saan dalawa sa mga ito ay miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP),  dalawa ang mula sa law enforcement agencies, isang appointed government official, 10 security guards at dalawang foreign nationals.

Samantala, umabot na rin sa 337 mga baril ang nakumpiska ng PNP kasama ang 147 na revolvers, 94 pistols, pitong explosives, anim na shotguns, isang rifle, isang M15 A2 rifle at iba pa.

Eleksyon

Disposal sa 6M-balotang ‘nabalewala’ dahil sa TRO ng SC, sinimulan na ng Comelec

Matatandaang nagsimulang ikasa ang gun ban noong magsimula ang election period noong Enero 12, 2025 na magtatagal hanggang Hunyo 11.

KAUGNAY NA BALITA: ALAMIN: Mga dapat malaman sa pagsisimula ng 'election period'