Nakapagtala ng mahigit 160 aftershocks ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) matapos yumanig ang magnitude 5.8 sa Southern Leyte nitong Huwebes ng umaga, Enero 23.
Matatandaang yumanig ang magnitude 5.8 na lindol sa San Francisco sa Southern Leyte nitong Huwebes dakong 7:39 ng umaga.
BASAHIN: Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8
Ayon sa Phivolcs, na iniulat ng GMA News, as of 6:00 a.m. nitong Biyernes, Enero 24, nakapagtala sila ng 166 aftershocks matapos ang malakas na lindol sa Southern Leyte. Umabot sa 1.5 hanggang 2.9 magnitude ang lakas ng naturang mga aftershocks.
SAMANTALA, sa eksklusibong panayam ng Balita sa isa sa mga residente sa Brgy. Himayangan, Liloan, Southern Leyte, ibinahagi nito ang kanilang naging karanasan nang yumanig ang magnitude 5.8 na lindol
Aniya, tumagal ng tinatayang 20 segundo ang naranasan nilang pagyanig at talagang malakas daw ito kaya’t lahat sila ay napalabas na lamang ng kanilang bahay para sa kanilang kaligtasan.
BASAHIN: Dahil sa 5.8-magnitude na lindol: Kalsada sa Liloan, Southern Leyte, nagkabitak-bitak!