February 08, 2025

Home BALITA Probinsya

Lalaki, tinutukan umano ng baril ang sariling ama; arestado!

Lalaki, tinutukan umano ng baril ang sariling ama; arestado!
(file photo)

Isang lalaki sa Burdeos, Quezon ang inaresto matapos umano niyang tutukan ng baril ang kaniyang sariling ama.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tinutukan ng suspek na kinikalalang si Ericson Alarma ng 12-gauge shotgun ang kaniyang amang si Reynaldo sa gitna raw ng kanilang pag-aaway nitong Huwebes ng hapon, Enero 23, sa Barangay Amot.

Iniulat ni Reynaldo ang insidente sa pulisya na nagtungo naman sa bahay ng suspek sa Barangay Poblacion.

Gayunpaman, hindi umano natagpuan ang suspek sa bahay nito. Ngunit naaresto rin ito sa Barangay Amot.

Probinsya

Private plane bumagsak sa Maguindanao del Sur; 4 patay, kalabaw nadamay

Nasa kustodiya na ng pulisya si Ericson at nahaharap sa mga kasong paglabag sa election gun ban.

Danny Estacio