January 25, 2025

Home BALITA National

‘First meeting’ nina PBBM at Trump, pinag-aaralan na - DFA

‘First meeting’ nina PBBM at Trump, pinag-aaralan na - DFA
MULA SA KALIWA: Pangulong Bongbong Marcos at US President Donald Trump (Facebook; X screengrab)

Nagkasundo ang Pilipinas at United States (US) na pag-aaralan na ang unang pagkikita nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US President Donald Trump, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Biyernes, Enero 24.

Matapos mag-usap sa telepono noong Miyerkules, Enero 22, napagkasunduan daw nina Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at US Secretary of State Marco Rubio ang tungkol sa unang pagkikita nina Marcos at Trump “in the near future.”

“The two Secretaries discussed the state of defense and security cooperation between the two allies, including US support for Philippines defense modernization,” ani DFA spokesperson Tess Daza.

Matatandaang noong Enero 21, 2025 (Manila time) nang manumpa si Trump bilang ika-47 pangulo ng US.

National

‘Huli sa akto!’ Empleyado sa GenSan, sinubukan umanong lasunin ang boss niya

Nagpaabot naman ng pagbati si Marcos kay Trump noon ding Martes, at sinabing “nilo-look forward” daw niya na magkatrabaho silang dalawa.

MAKI-BALITA: PBBM kay Donald Trump: ‘I look forward to working closely with you’