Nakauwi na sa Pilipinas ang 17 Pilipinong seafarer matapos ang mahigit isang taong pagkabihag sa Yemen.
Nitong Huwebes ng gabi, Enero 23, nang makalapag ang naturang 17 Pinoy seafarer sa pamamagitan ng Oman Air flight.
Sinalubong sila sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo na nagpahayag ng pagkatuwi sa kanilang pagkauwi matapos bihagin ng mga rebeldeng Houthi sa loob ng 428 araw.
"The long wait is over! Our prayers were answered!" ani Manalo.
"I join the Filipino nation in welcoming back to the Philippines 17 Filipino hostages. Their pleasant disposition, resilience in spirit and strength as a team saw them through this most difficult ordeal," dagdag niya.
Matatandaang nito ring Huwebes ng umaga nang masayang ianunsyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ligtas na paglaya ng naturang 17 Pinoy seafarers sa Yemen.
MAKI-BALITA: 17 Pinoy seafarers na binihag sa Yemen, nakalaya na – PBBM