January 23, 2025

Home BALITA National

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!

Zamboanga del Norte, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol; Aftershocks at pinsala, asahan!
Courtesy: Phivolcs/FB

Ilang oras lamang matapos tumama ang magnitude 5.8 sa Southern Leyte, isang magnitude 6.1 na lindol naman ang yumanig sa Zamboanga del Norte dakong 11:41 ng umaga nitong Huwebes, Enero 23.

Base sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tectonic ang pinagmuln ng lindol na may lalim na 32 kilometro.

Namataan ang epicenter nito 2 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Siocon, Zamboanga Del Norte.

Naitala ang Intensity IV sa CITY OF ZAMBOANGA.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa mga kalapit na lugar sa posibleng aftershocks ng lindol.

Inaasahan din daw na magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.

Matatandaang nito lamang ding Huwebes dakong 7:59 ng umaga nang yumanig ang isang magnitude 5.8 na lindol 7 kilometro ang layo sa timog-silangan ng San Francisco, Southern Leyte.

MAKI-BALITA: Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8