Umani ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang tungkol sa inihaing panukalang-batas ni Zamboanga 1st district Rep. Khymer Adas Olaso, na House Bill No. 11211 o Death Penalty for Corruption Act, na naglalayon umanong panagutin ang lahat ng mga mapatutunayang tiwaling opisyal ng gobyerno sa pamamagitan ng firing squad.
Ayon kasi kay Olaso, bagama't marami raw batas para maiwasan at papanagutin ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan, hindi pa rin ito nawawala at nalulunasan.
Paliwanag ni Olaso sa isang note, "Despite the existence of numerous laws aimed at combating graft, malversation and plunder, the persistence of these crimes suggests that current measures are insufficient to deter public officials from engaging practices."
BASAHIN: Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng 'Death Penalty for Corruption Act'
Matapos lumabas ang mga ulat at balita tungkol dito, agad namang nag-react ang mga netizen. May mga tutol, subalit mas marami ang tila sang-ayon.
"Impossible dream considering that the ones on the first line of fire are the ones who will be deliberating and approving the bill. Will you approve a bill that will possibly put you on the firing range? Nice try. Instead, fortify the justice system like the Sandiganbayan and rid itself of corrupt/corruptible justices and officials/employees {if there are}."
"Ay parang walang matitira sa kanila hahahaha."
"Magkakaubusan 'pag nagkataon hahaha."
"tyak yong hindi mag approve yan yon mga pulitiko na magnanakaw at yong ginagawa nilang business na ang position"
"I'm favor but it's difficult to pass in the House. They can't even pass the Anti dynasty law."
"Dapat mga tao ang tanungin nila kung pabor kasi mga politiko sarili muna nila isipin nila bago ang mga Pilipino."
"Maraming malalagas na politico kapag naging batas yan"
"Yes..yes..so that...this NATION...THE PHILIPPINES WILL BE GREAT AGAIN..."
"Galing ng nakaisip nito. Magkakaalaman. Yung Congressman at Senador na kokontra sa panukalang ito, Alam na."
"Kalokohan yan..... kung sino ka man may panukala sa batas na yan tignan mo muna ang mga nandyan sa kongreso at senado kung ilan sa kanila ang nakasuhan ng graft and corruption or even plunder."
"It is about time. It is long overdue."
"It’s not doable. Move on."
"No to death penalty."
"It is a question of how to convict or acquit erring officials by the court. Will certain judge is brave enough to convict and bring such official to firing squad?"
"Sa klase ng Justice system delikado ito. Pwede ito ng gamitin ng nakaupo laban sa political opponent nila."
"Pabor pero lagi nman gnyan di mkausad FIRST READING PALANG NKAPAKO NA AT HABANG BUHAY WALA NYONG CONGRESSMAN SA PUESTO."
Samantala, wala pang reaksiyon ang liderato ng Kamara at Senado na sina House Speaker Martin Romualdez at Senate President Chiz Escudero tungkol sa panukalang-batas.