February 23, 2025

Home BALITA Internasyonal

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage

Thailand, kauna-unahang bansa sa Southeast Asia na nagpatupad ng same-sex marriage
Photo courtesy: Pexels

Legal nang kinikilala ng Thailand ang same-sex marriage matapos nilang isagawa ang kauna-unahang kasalanan para sa same couples nitong Huwebes, Enero 23, 2025.

Bunsod nito, ang Thailand na rin ang kinikilala ngayon bilang unang bansa sa Southeast Asia na nagbukas ng kanilang pintuan para sa same-sex marriage at ikatlong bansa naman sa buong Asya, kasunod ng Taiwan at Nepal. 

Ayon sa ulat ng ilang international news outlets, tinatayang nasa 200 same-sex couples ang nag-isang dibdib sa isang luxury Bangkok retail mall.

Kasabay nito, target din umano ng ogranizers ng same-sex wedding na umabot sa 1,448 ang wedding registrations sa loob lamang ng isang araw upang maisumite ito sa Guinness World Records at umaasang kilalanin bilang "world's largest number of same-sex marriage registrations in a single day."

Internasyonal

Eroplano sa Brazil, tinamaan ng ibon; nabutas!

Sa panayam ng international media sa LGBT group na Bangkok Pride, 1448 daw ang kanilang bilang na tinatarget dahil daw sinisimbolo nito. 

"One-four-four-eight symbolises the fight for marriage rights for all genders. It represents the dream and hope of building an inclusive society that accepts and celebrates love in all its forms," anang Bangkok Pride. 

Bukas din umano ang ilang district offices sa naturang bansa pati na rin ang Thai embassies sa iba't ibang bansa upang tumanggap ng same-sex marriage registration. 

Samantala, para kay Bangkok Pride organiser Adcharaporn Thongchalaem, ang pagkilala ng Thailand sa same-sex marriage isang simbolo at nangangahulugan daw ng unang hakbang sa kanilang karapatan.

"This event shows that many LGBT couples want this (marriage) certificate. It's a symbol that Thailand is ready for change towards equality. Same-sex marriage is just the first step," saad ni Adcharaporn.