Dumipensa si Senate President Chiz Escudero laban sa mga alegasyon sa General Appropriations Act (GAA).
Sa kaniyang pagharap sa media noong Miyerkules, Enero 22, 2025, tahasang iginiit ng Senate President na pawang kasinungalingan daw ang mga paratang sa pinirmahang GAA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
"Hindi tamang mag-akusa na may blank check na ipinasa ng kongreso, mali 'yon. Kasinungalingan 'yon at hindi totoo 'yon," saad ni Escudero.
Iginiit din ni Escudero na hindi raw maaaring kilalanin ng Department of Budget and Management (DBM) ang GAA o national budget kung ito raw ay kulang-kulang.
“At kung blanko man yung nasa GAA, hindi puwedeng i-release ng DBM 'yon. Hindi puwedeng i-release ng National Treasury 'yon,” ani Escudero.
Matatandaang pumutok ang isyu kaugnay ng umano’y mga blankong items sa GAA matapos itong ihayag ng kampo nina dating Pangulong Rodrigo Duterte sa episode noon ng “Basta Dabawenyo” noong Sabado, Enero 18.
KAUGNAY NA BALITA: FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'
Kaugnay ng nasabing mga paratang sa GAA, nauna na rin itong palagan ni PBBM at diretsahang iginiit na nagsisinungaling umano si FPRRD.
“He's lying. He was a President. He knows that you cannot pass GAA without any... without blank,” ani PBBM sa isang ambush interview.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, dumipensa sa mga alegasyon ni FPRRD sa 2025 nat'l budget: 'He's lying!'