Tila may pasaring ang showbiz insider na si Ogie Diaz sa ilang mga pulis at kumakandidato, na naihalintulad naman niya sa umano'y "modus" ng mga naka-school uniform na nagtitinda ng sampaguita.
"Every Gising Is A Blessing!" mababasa sa Facebook post ni Ogie, Huwebes, Enero 23.
"Naka-school uniform na ang mga nagtitinda ng sampaguita. Modus daw yon."
"Eh me mga pulis nga, nangingikil eh. Naka-uniform din yon, huh! "
"Me mga kumakandidato ding nangangakong pagagaanin ang buhay ng mga Pilipino, eh."
"Gagamitin mo na lang talaga ang utak at puso mo sa pagkilatis ng mga nakaka-encounter mo," saad pa ni Ogie.
Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang isang viral video kung saan makikita ang isang nagtitinda ng sampaguitang nakasuot ng school uniform na nakikipag-away sa isang mall security guard matapos siyang paalisin sa vicinity ng mall.
Kalaunan, natanggal sa serbisyo ang sekyu, at napag-alaman namang tunay na estudyante sa kolehiyo ang nagtitinda ng sampaguita, subalit siya pala ay 22 anyos na, taliwas sa mga naunang kumalat na menor de edad pa lamang siya, at ang iba pa nga, inisip pang nasa high school pa lamang siya dahil sa kaniyang uniporme.
MAKI-BALITA: Sekyu ng isang mall, sinibak sa puwesto dahil sa ginawa sa batang sampaguita vendor
MAKI-BALITA: Viral na sampaguita vendor, nagsumikap para makapagtapos ng pag-aaral, ayon sa ina
Itinanggi rin ng dalaga sa mga panayam na hindi siya miyembro o lider ng mga sindikatong nag-uutos umano sa mga namamalimos na gawing props ang pagtitinda ng sampaguita at pagsusuot ng school uniform para makakuha ng awa at simpatya.
MAKI-BALITA: Mandaluyong Police, pinabulaanan na sindikato ang viral na batang sampaguita vendor
MAKI-BALITA: Huli na ang lahat? Pamilya ni 'Sampaguita Girl,' handang patawarin sekyung nasibak sa trabaho
Isa rin si Ogie sa mga nagbigay ng kaniyang reaksiyon at saloobin sa kasagsagan ng isyu.