Mula magnitude 6.1, ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa magnitude 5.4 ang lindol na tumama sa Siocon, Zamboanga Del Norte bandang 11:41 ng umaga nitong Huwebes, Enero 23.
Base sa pinakabagong update ng Phivolcs, namataan ang epicenter ng nasabing magnitude 5.4 na lindol 5 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Siocon, Zamboanga Del Norte, na may lalim na 43 kilometro
Naramdaman ang pagyanig sa mga sumusunod na lugar:
Intensity V - Siocon, ZAMBOANGA DEL NORTE; Ipil, ZAMBOANGA SIBUGAY; CITY OF ISABELA
Intensity IV - CITY OF ZAMBOANGA; Sibuco, ZAMBOANGA DEL NORTE; Dimataling, ZAMBOANGA DEL SUR; Alicia, ZAMBOANGA SIBUGAY
Intensity III - City of Dipolog at President Manuel A. Roxas, ZAMBOANGA DEL NORTE; Buug at Siay, ZAMBOANGA SIBUGAY
Intensity II - San Jose, ANTIQUE; City of Himamaylan, NEGROS OCCIDENTAL; Molave, ZAMBOANGA DEL SUR
Intensity I - City of Kabankalan, NEGROS OCCIDENTAL
Ayon sa Phivolcs, inaasahan pa rin ang aftershocks mula sa lindol, ngunit hindi na ito inaasahang magdudulot ng pinsala.
Matatandaang nito lamang ding Huwebes dakong 7:59 ng umaga nang yumanig ang isang magnitude 5.8 na lindol 7 kilometro ang layo sa timog-silangan ng San Francisco, Southern Leyte.
MAKI-BALITA: Mula magnitude 5.9: Lindol sa Southern Leyte, ibinaba sa magnitude 5.8