Opisyal nang binawi ni senatorial aspirant Francis Leo Marcos ang kaniyang kandidatura para sa 2025 midterm elections nitong Huwebes, Enero 23.
Nagtungo si Marcos sa tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) upang iatras ang kaniyang pagtakbo sa eleksyon.
Ang naturang hakbang ni Leo Marcos ay matapos maglabas ng temporary restraining order (TRO) kamakailan ang Korte Suprema laban sa desisyon ng Comelec na ideklara siyang nuisance candidate.
Nakasaad din sa order ng Korte Suprema na idagdag ng Comelec ang pangalan ni Marcos sa balota.