Ibinahagi ng direktor na si Direk Darryl Yap na natapos na nila ang "The Rapist of Pepsi Paloma" (TROPP) batay sa kaniyang Facebook post, Miyerkules ng gabi, Enero 22, 2025.
Batay sa post ng direktor, bagama't masalimuot daw ang paggawa ng pelikula ay natapos naman daw nila ito at handa na sa review.
"Bagamat naging masalimuot ang paggawa ng pelikula—
kasama na ang pagpull-out ng mga distributors, pagbawi ng permiso para sa mga awit na gagamitin, pagharap sa mga reklamo at marami pang-iba."
"Natapos namin," aniya.
Dagdag pa ng direktor, "Maraming Salamat sa mga musikerong tumulong upang magkaroon ng All-Original Soundtrack ang #TROPP—hindi ko ito makakalimutan."
"sa mga patuloy na nagpapahayag ng suporta at paniniwala—nakaukit na ito sa aming puso."
Giit pa ng direktor, kulang man sa pera at koneksyon ay hindi naman sila kinapos sa tapang at paninindigan.
"Maaaring kulang sa pera at koneksyon—pero hindi kami kapos sa tapang at paninindigan."
"We have finished the film tonight, It will be ready for review."
"Malapit nang mapanood ng Pilipino ang Hubad na Katotohanan," aniya pa.
KAUGNAY NA BALITA: Vic Sotto, sinampahan na ng kaso si Darryl Yap kaugnay ng ‘Pepsi Paloma’ movie trailer
KAUGNAY NA BALITA: Darryl Yap, nagsalita na sa pagkaso ni Vic Sotto: ‘Mahalagang mapanood muna nila ang buong pelikula’