Naglabas ng opisyal na pahayag ang TV host na si Marc Nelson kaugnay ng kasuhan ng "dating" mag-asawang sina Maggie Wilson at Victor Consunji tungkol sa anak nilang si Connor.
Ayon kay Marc, "welfare" lamang daw ng bata ang kaniyang iniisip kaya siya tumestigo laban kay Maggie, at sa panig naman ni Victor. Si Marc ay ninong sa binyag ni Connor.
Nagkaroon daw sila ng one-on-one conversation ng inaanak, at dito raw ay sinabi sa kaniya ng bata ang tunay na nararamdaman sa "away" ng mga magulang sa social media.
"In a one-on-one conversation, he expressed to me how upset he has been about the social media posts his mother has made concerning him during the dispute between his parents. He specifically shared that these posts place him in an uncomfortable position, drawing unwanted attention and questions from both peers and adults — attention he neither likes nor wants,” anang Marc na isang Burmese-Australian.
Kaya nang ipatawag siya ng korte para sa pagdinig hinggil sa petisyong Temporary and Permanent Order na inihain ni Victor laban kay Maggie para huwag niyang makausap ang anak, sinabi lamang daw ni Marc kung ano ang sinabi naman sa kaniya ng inaanak.
Matatandaang noong Linggo, Enero 19, ipinamalita ni Maggie sa kaniyang Instagram stories ang tungkol sa pagbasura ng korte sa inihaing petisyon ng dating mister.
Dito ay nabanggit niya ang pangalan ni Marc Nelson.
"Despite several testimonies including the likes of Marc Nelson, who testified his knowledge on behalf of the petitioner Victor Consunji of how my son suffered emotional stress, anxiety, and annoyance due to me, were all denied by the family court of the Republic of the Philippines,” anang Maggie sa kaniyang Instagram stories.
MAKI-BALITA: Petisyon ni Victor Consunji na bawal makita ni Maggie Wilson anak nila, ibinasura ng korte