Tila marami ang naka-relate sa isang viral post na ibinahagi sa Facebook page na "Klasik Titos and Titas of Manila" tungkol sa isang netizen na nagkaroon ng realisasyon patungkol sa edad at mabilis na takbo ng panahon.
Kuwento niya, dumalo raw siya sa lamay ng namatay na ama ng kaniyang close friend. Kasama raw niya ang mga kabarkada, at dito ay napag-usapan nila ang iba't ibang kuwento ng pagkakasakit ng mga magulang ng iba pa nilang mga kakilala.
"Last year, ang dami ko din batchmates na namatayan, hindi lang mga lolo at lola, pati parents na din. Minsan nga kapatid pa," saad ng anonymous sender.
Kaya napag-isip-isip daw ng nag-upload, "I realized na nandun na tayo sa age na our parents get sick and frail, and while I know what people eventually pass away, it just saddens me and makes me anxious na ayun nga, andun nako sa age na yun."
Kaya sabi raw niya sa isang kaibigan, "Sabi ko sa friend ko, 'ano ba yan, laging drawing yung libot ng barkada, pero sa ganito na lang tayo nagkikita.'"
"Sabi nya, 'sana magkita naman tayo on a more positive way. Hindi yung namamatayan kaya tayo nagkikita-kita.'"
Kaya paalala ng uploader, " Mahalin natin pamilya natin hanggat kaya, guys!"
Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.
"kadalasan kc, dahil bc tayo sa ating paglaki, sa pag abot ng ating mga pangarap,,madalas nakakalimutan natin na ung mga magulang natin, tumatanda na..."
"When my dad passed away, naging realization din namin magkakaibigan nung highschool na bakit dun pa sa pagkakataon na yun kami ulit nagkita kita. So after nun, mas madalas na ang coffee date, kain and presence ng bawat isa tuwing may okasyon o random na invitation lang."
"Hinahanap ko 'yung tamang salita para rito, pero napapansin ko lang nabubuo ang tropa kapag may nawawalan ng malapit sa buhay yung isa sa mga kaibigan. Ewan ko, pero ganun siguro talaga? Maaaring nasa kultura na? Hindi man nabubuo kapag masaya pero nagdadamayan naman kapag kailangan ng tropa."
"Ang masakit lang tumatanda na yung magulang natin na hindi man lang nakaranas ng kaalwanan sa buhay. Parang it's a failure sa part natin na hanggang ngayon struggle pa rin tayo sa mga bills and everything not until marerealize mo na lang na tumatanda na mga magulang natin at unti unti ng iginugupo ng karamdaman at kapos pa rin tayo sa pera."
"I've arranged a family reunion last year after one of my closest cousin died of sudden asthma attack. I said the exact thing. Sabi ko wag naman na puro reunion natin eh tuwing my patay nalang."
"Sabi ng iba, umabsent ka na sa mga celebratory events wag lang sa pakikiramay sa kakilala mong namatayan. Kaya tingen ko kung di talaga uubra sa mga social gathering, at least nagdadamayan kayo sa lungkot."
Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 15k reactions, 2.8k shares, at 177 comments ang nabanggit na post.