January 22, 2025

Home BALITA

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill

Bong Revilla, Jinggoy Estrada kumambiyo rin sa Adolescent Pregnancy Bill
Photo Courtesy: Bong Revilla, Jinggoy Estrada (FB)

Binawi rin nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla ang kanilang pirma sa inakdang Senate Bill 1979 o “Prevention of Adolescent Pregnancy Act” ni Senador Risa Hontiveros.

Sa liham na ipinadala ni Estrada kay Senate President Francis “Chiz” Escudero nitong Miyerkules, Enero 22, sinabi niyang nakaugat umano ang desisyong ito maingat na pagtatasa sa sentimyento ng iba’t ibang pribadong organisasyon.

“I arrived at this informed decision after I have carefully evaluated the sentiments and grave concerns of various private organizations that have expressed strong opposition on the proposed legislation,” saad ni Estrada.

Samantala ayon naman kay Revilla, bagama’t tapat umano siya sa pagtugon sa isyu ng adolescent pregnancy, naniniwala siyang kinakailangan pang repasuhin ang ilang aspekto ng panukalang batas.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Aniya, “While I remain committed to addressing critical issues, such as adolescent pregnancy and supporting comprehensive protection measures for adolescent parents, I believe that certain aspects of the proposed legislation require further refinement to better align with my advocacies and the interests of our constituents.”

Bukod kina Estrada at Revilla, iniurong din nina JV Ejercito, Nancy Binay, Bong Go, at Cynthia Villar ang pirma nila sa Senate Bill 1979.

MAKI-BALITA: 4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Sa kabila nito, naiintindihan daw ni Hontiveros ang ginawang pagkambyo ng mga senador sa panukalang batas.

“Gayunpaman, umaasa po ako na basahin nila ang substitute bill na plano ko pong i-file na nagsasaalang-alang sa mga pangamba ng iba’t ibang grupo,” pasubali ni Risa.

MAKI-BALITA: Hontiveros, nauunawaan ilang senador na binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

Matatandaang mainit na pinag-usapan ang Senate Bill 1979 matapos ibahagi ng Project Dalisay ang isang video na tumatalakay sa panganib umano ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) dahil ituturo umano sa pamamagitan nito ang “early childhood masturbation” at “try different sexualities.”

Ngunit pinabulaanan ito ni Hontiveros sa pamamagitan ng isang video message matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ibi-veto raw niya ang panukalang batas kapag naipasa ito.

MAKI-BALITA: Sen. Risa kay PBBM: 'Wala po sa Adolescent Pregnancy Bill kahit ang salitang masturbation'