January 22, 2025

Home BALITA National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026
Photo Courtesy: via MB, DepEd (FB)

Nakatakda na raw ipatupad ang bagong kurikulum ng senior high school sa taong panuruang 2024-2025 ayon kay Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay forum nitong Miyerkules, Enero 22.

Ayon sa ulat ng GMA Integrated News, sinabi raw ni Angara na bagama’t ngayong taong panuruan nakaplanong ipatupad ang bagong kurikulum, bukas naman daw sila sa pakiusap ng ilang paaralan.

“Actually, ang plano diyan 2026 pa i-implement ‘yan pero tinatarget namin ngayon 2025. Although nakikiusap ‘yong ibang mga eskwelahan na napakahirap daw no’n. So i-phase natin ang implementation. So tayo, open naman tayo diyan,” saad ni Angara.

Dagdag pa ng kalihim, “Ibibigay lang natin ang basic curriculum tapos bahala na ‘yong mga schools kung ano ‘yong mga gusto nilang idagdag, ano ‘yong gusto nilang i-offer na mga electives, etc., especially sa private sector. We will give them a lot of freedom.”

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Matatandaang nauna nang sinabi ni Angara noong Nobyembre 2024 na balak daw nilang pasimplehin ang kurikulum ng senior high school.

MAKI-BALITA: DepEd, balak pasimplehin ang Senior High School curriculum

Pero bago pa man ito ay umugong na ang usap-usapan na kabilang umano ang Filipino sa mga asignaturang nangnganib matanggal sa nasabing kurikulum.

MAKI-BALITA: Asignaturang Filipino sa SHS binabalak alisin, bawasan?