January 22, 2025

Home BALITA National

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill

4 na senador, binawi ang pirma sa Adolescent Pregnancy Bill
Photo Courtesy: JV Ejercito, Nancy Binay, Bong Go, Cynthia Villar (FB)

Iniurong ng apat na senador ang kanilang pirma sa Senate Bill 1979 o “Prevention of Adolescent Pregnancy Act.”

Sa liham na ipinadala ng mga senador na sina JV Ejercito, Nancy Binay, Bong Go, at Cynthia Villar kay Senate President Francis “Chiz” Escudero noong Martes, Enero 21, sinabi nilang bagama’t kinakailangan ng agarang tugon ang problema sa teenage pregnancy, mahalaga raw para sa kanila ang karagdagang diyalogo sa mga indibidwal at grupo.

“While we believe that the prevalence of adolescent pregnancy is an issue that must be urgently addressed, it is our position that further dialogues with stakeholders is essential, in order to accurately dispel misconceptions and remove objectionable portions from the bill,” saad nila.

Dagdag pa nila, “Thank you for your understanding and kind consideration.”

National

Dalawang kabaong na nakahambalang sa NLEX, nagdulot ng trapiko

Matatandaang mainit na pinag-usapan ang Senate Bill 1979 matapos ibahagi ng Project Dalisay ang isang video  na tumatalakay sa panganib umano ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) dahil ituturo umano sa pamamagitan nito ang “early childhood masturbation” at “try different sexualities.” 

Ngunit pinabulaanan ito ni Hontiveros sa pamamagitan ng isang video message matapos ihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ibi-veto raw niya ang panukalang batas kapag naipasa ito.

MAKI-BALITA: Sen. Risa kay PBBM: 'Wala po sa Adolescent Pregnancy Bill kahit ang salitang masturbation'