January 21, 2025

Home BALITA National

UN, nagsalita sa misimpormasyong kumakalat tungkol sa sexual education sa Pilipinas

UN, nagsalita sa misimpormasyong kumakalat tungkol sa sexual education sa Pilipinas
Photo Courtesy: UN (FB), Pexels

Nagbigay ng pahayag ang United Nations (UN) sa kumakalat na maling impormasyon tungkol sa comprehensive sexuality education (CSE) sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagsusulong sa Senate Bill 1979 o “Prevention of Adolescent Pregnancy Act.”

Sa inilabas na pahayag ng naturang international organization noong Lunes, Enero 20, kinikilala umano nila ang patuloy na suporta ng gobyerno at iba pang katuwang nito sa patuloy na pagtugon sa mga seryosong problemang may kinalaman sa adolescent pregnancy, maternal mortality, human immunodeficiency virus (HIV) infection, at samu’t saring anyo ng gender-based violence.

Ayon sa UN, napatunayan na umano ng mga pananaliksik ang bisa ng age-appropriate sexuality education bilang solusyon sa mga nabanggit na problema ng bansa.

Kaya naman hinimok ni Deputy Representative of the United Nations Population Fund (UNFPA) Roi Avena ang mga Pilipino na siyasatin ang mga kumakalat na misimpormasyon hinggil sa CSE.

National

3 weather systems, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Aniya, “The UN encourages all Filipinos to verify information they are exposed to.”

“The UN shares accurate scientific knowledge and relevant lessons learned and good practices, which has been adapted by the Department of Education to be culturally sensitive and age-appropriate,” dugtong pa ni Avena.

Matatandaang nauna nang pabulaanan ni Senador Risa Hontiveros na wala raw binanggit na “masturbation” at “try different sexualities” sa nasabing panukalang batas matapos lumutang ang isang explainer video mula sa Facebook page ng Project Dalisay na nagtangkang talakayin ang umano’y panganib ng CSE.

MAKI-BALITA: Sen. Risa kay PBBM: 'Wala po sa Adolescent Pregnancy Bill kahit ang salitang masturbation'