January 22, 2025

Home BALITA National

PISTON, kinondena walang habas na pagtaas ng presyo ng langis

PISTON, kinondena walang habas na pagtaas ng presyo ng langis
Photo Courtesy: PISTON (FB)

Nag-organisa ng kilos-protesta ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila at Cebu upang kondenahin umano ang walang habas na presyo ng langis ng mga malalaking oil company.

Sa inilabas na pahayag ng PISTON nitong Martes, Enero 21, isinagawa raw nila ang nasabing pagkilos hindi lang para sa kanilang mga sarili kundi para din sa bawat Pilipinong pinabayaan umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Anila, “Sa patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, nakataya ang ating mga kabuhayan. Hindi tayo mananahimik. Patuloy nating sisingilin ang rehimeng Marcos, patuloy na patatalsikin ang kurakot na si Sara Duterte at papanagutin ang ama nyang si Rodrigo Duterte!”

“Sama-sama nating ipaglaban ang ating mga karapatan para sa magandang kinabukasan para sa lahat ng mga tsuper, operator, at mananakay. Sa sama-sama nating pagkilos, kaya nating gumawa ng pagbabago!” dugtong pa ng grupo.

National

Remulla, naniniwalang walang magiging samaan ng loob sa extension ni PNP chief Marbil

Ayon sa PISTON, ito na raw ang ikatlong pagkakataon ng pagtaas ng presyo ng langis sa magkakasunod na linggo.

Umabot na raw sa ₱1.65/litro ang presyo ng gasolina, ₱2.75/litro sa presyo ng diesel, at ₱2.50/litro naman sa presyo ng kerosene.

Kaya sa kasalukuyan, pumalo na sa halos ₱70/litro ang presyo ng gasolina, ₱60/litro ang presyo ng diesel, at ₱75/litro ang presyo ng kerosene sa bansa.