Nagpahayag ng pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para kay United States (US) President-elect Donald Trump sa presidential inauguration nito nitong Martes, Enero 21 (Manila time).
“Congratulations to POTUS @realdonaldtrump and to the American people on another peaceful transfer of power in their Nation’s nearly 250-year history,” mensahe ni Marcos kay Trump sa pamamagitan ng isang X post nitong Martes.
“I look forward to working closely with you and your Administration.”
Binanggit din ng pangulo ang matibay raw na alyansa sa pagitan ng Pilipinas at China.
“The strong and lasting PH-US alliance will continue to uphold our shared vision of prosperity and security in the region,” saad ni Marcos.
Hindi naimbitahan si Marcos na dumalo sa inagurasyon ni Trump dahil ang mga ambassador tulad ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez lamang umano ang inimbitahan dito.
Matatandaang noong Nobyembre 6, nang magwagi si Trump sa halalan sa US kontra kay incumbent Vice President Kamala Harris.
Mahigit isang linggo matapos nito, noong Nobyembre 19, nang ihayag ni Marcos na nakausap daw niya si Trump sa pamamagitan ng phone call.
MAKI-BALITA: PBBM, nakausap sa phone si Donald Trump: ‘It was a very friendly, productive call’