February 10, 2025

Home BALITA Probinsya

Magsasakang dalawang araw nang nawawala, nakitang pugot daw ang ulo

Magsasakang dalawang araw nang nawawala, nakitang pugot daw ang ulo
photo courtesy: Husay Doloresanon via RMN Tacloban (Facebook)

Natagpuan daw na pugot ang ulo ng isang magsasakang dalawang araw nang nawawala sa Brgy. Bangon, San Policarpio sa Eastern Samar, nabatid nitong Martes, Enero 21.

Ayon sa ulat ng local radio station na RMN Tacloban, umalis ang hindi pinangalanang biktima sa kaniyang sakahan noong Enero 18, ngunit hindi na raw ito umuwi. 

Agad namang humingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa barangay.

Nitong Lunes, Enero 20, natagpuan ng mga opisyal ang bangkay ng biktima sa tuktok ng bundok sa lugar. 

Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep

Pinaniniwalaang personal na away umano ang motibo ng krimen.

Samantala, nagsasagawa na raw ng imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang suspek sa krimen.