January 20, 2025

Home BALITA National

Sen. Risa kay PBBM: 'Wala po sa Adolescent Pregnancy Bill kahit ang salitang masturbation'

Sen. Risa kay PBBM: 'Wala po sa Adolescent Pregnancy Bill kahit ang salitang masturbation'
Senador Risa Hontiveros at Pangulong Bongbong Marcos (Facebook)

Iginiit ni Senador Risa Hontiveros kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na wala umanong nakasaad sa Senate Bill 1979 o “Prevention of Adolescent Pregnancy Act” na tungkol sa “masturbation” matapos itong banggitin ng pangulo bilang kaniya raw dahilan kaya’t ibi-veto niya ang panukala kung maipasa ito.

Matatandaang sa isang ambush interview nitong Lunes, Enero 20, sinabi ni Marcos na nabasa na raw niya nang detalyado noong weekend ang Senate Bill 1979, at bagama’t naniniwala pa rin daw siya sa sex education pagdating sa pagtuturo sa mga estudyante hinggil sa anatomy at panganib ng maagang pagbubuntis, hindi raw siya sang-ayon sa ilan umanong bahagi ng panukalang batas, tulad ng “masturbation” sa mga batang nasa hanggang 4-anyos ang edad.

“I was shocked and I was appalled by some of the elements of that. Because this is, all this woke that they are trying to bring into our system. You will teach four-year-olds how to masturbate, that every child has the right to try different sexualities,” giit ni Marcos.

“This is ridiculous. It is abhorrent. This is a travesty of what sex education should be to the children,” dagdag pa niya.

National

Marbil, muling iginiit na dapat ‘apolitical’ mga pulis sa eleksyon: ‘Let’s give dignity to our uniform’

Sinabi rin ng pangulo na ibi-veto niya ang panukalang batas kung maipasa raw ito sa kasalukuyan nitong mga nilalaman.

MAKI-BALITA: PBBM, ibi-veto ang Adolescent Pregnancy Bill: ‘This is ridiculous’

Samantala, ilang sandali matapos ang pahayag ni Marcos, sinabi ni Hontiveros sa isang video message na maliwanag daw sa Senate bill na walang binabanggit ditong “masturbation” at “try different sexualities.”

“Mr. President, with all due respect, maliwanag na wala po sa Prevention of Adolescent Pregnancy Bill o SB1979 kahit ang salita na ‘masturbation.’ Wala din po yung ‘try different sexualities’,” mensahe ni Hontiveros kay Marcos.

“Comprehensive Sexuality Education o CSE contains the very same things you support: teaching kids anatomy, consequences of early pregnancy. ‘Yan po ang atin ding isinusulong.”

“I am willing to accept amendments to refine the bill so we can steer it to passage,” saad pa niya.

Isa si Hontiveros sa mga may-akda ng Senate Bill 1979 na kasalukuyang pending sa Senado.

Inirerekomendang balita