January 20, 2025

Home BALITA National

PBBM, pinag-aaralan na pag-adjust sa working hours ng gov’t employees

PBBM, pinag-aaralan na pag-adjust sa working hours ng gov’t employees
Courtesy: Pangulong Bongbong Marcos/FB

Inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na pinag-aaralan na nila ang rekomendasyong i-adjust ang working hours ng mga manggagawa sa national government agencies sa Metro Manila mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon patungong 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Sa isang ambush interview nitong Lunes, Enero 20, sinabi ni Marcos na kokonsultahin pa nila ang mga komyuter kung magiging praktikal para sa mga ito na i-adjust ang oras ng trabaho.

Kung magiging mas maayos na gawing 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon ang trabaho sa national government agencies sa Metro Manila, anang pangulo, iimplementa nila ito.

“Well, we’re studying it. If it works, we’ll do it. But we have to–it’s not enough to talk to the traffic enforcers and the administrators of traffic that have made the suggestion,” saad ni Marcos.

National

PBBM, kinokonsiderang i-extend termino ni Marbil bilang PNP chief

“We also have to ask the commuting public kung praktikal para sa kanila. So if it turns out that everyone agrees to it then I cannot see why it will be a problem,” dagdag pa niya.Matatandaang kamakailan lamang ay inirekomenda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sa halip na 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ay gawing 7:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon ang working hours ng national government agencies sa Metro Manila upang mabawasan umano ang traffic.