January 20, 2025

Home BALITA National

PBBM, dumipensa sa mga alegasyon ni FPRRD sa 2025 nat'l budget: 'He's lying!'

PBBM, dumipensa sa mga alegasyon ni FPRRD sa 2025 nat'l budget: 'He's lying!'
Photo courtesy: Bongbong Marcos, House of Representatives/Facebook

Tahasang sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang umano’y fake news na iginiit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Sa ambush interview ng media kay Marcos sa Bonifacio Global City (BGC) nitong Lunes, Enero 20, 2024, iginiit ni Marcos na pawang kasinungalingan lang umano ang mga argumentong pinakawalan ni Duterte kamakailan tungkol sa 2025 national budget. 

“He's lying. He's a President. He knows that you cannot pass GAA without any... without blank,” ani PBBM.

Dagdag pa ni Marcos: “He's lying. He's lying because he knows perfectly well that, that doesn't ever happened. Sa buong kasaysayan ng buong Pilipinas. Hindi pinapayagan na magkaroon ng item ang GAA nang hindi nakalagay kung ano yung project at saka kung ano yung gastos, ano yung pondo. So, it's a lie.”

National

PBBM, kinokonsiderang i-extend termino ni Marbil bilang PNP chief

Matatandaang kamakailan nang ihayag ni Duterte na may ilang blankong items daw na nakalagay sa naturang budget. 

“As a matter of fact, kung may mga blangko ‘yan lumusot, that is not a valid legislation. Kung sa batas na ‘yan, lumabas na ‘yan ng blangko-blangko, either it could be filled up before or after,” anang dating pangulo sa episode ng Basta Dabawenyo noong Sabado, Enero 18. 

KAUGNAY NA BALITA: FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'

Kaugnay nito, tila may hamon naman si Marcos sa taumbayan upang mapatunayan daw na pawang kasinungalingan lamang umano ang mga alegasyon ni Duterte sa GAA. 

“I was watching the news earlier today, and people were saying it's 4,000 pages. Papaano namin bubusisiin 'yan? Ang gagantuhin, titingnan namin isa-isa. Hindi na lang. Mayroon namang kopya that's available in the website of DBM tingnan ninyo, huwag ninyo ng busisiin isa-isa. Hanapin n'yo 'yong sinasabi nila na blank check. Tingnan ninyo kung mayroon kahit isa para mapatunayan na tama ang sinasabi ko, kasinungalingan 'yan. That my reaction,” anang Pangulo.

Samantala, nauna na ring maglabas ng pahayag ang Malacañang hinggil sa nasabing paratang ni Duterte sa GAA at kinondena ang umano’y “fake news” niyang mga alegasyon. 

KAUGNAY NA BALITA: Malacañang, kinondena pagpapakalat ng fake news tungkol sa 2025 national budget

Pinirmahan ni Marcos ang kontrobersyal na ₱6.352-trillion pondo ng gobyerno para sa taong 2025 noong Disyembre 30, 2024. 

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025