January 20, 2025

Home FEATURES Human-Interest

National Coffee Break Day: Ilang coffee shops sa Intramuros na 'worth it' to take a break

National Coffee Break Day: Ilang coffee shops sa Intramuros na 'worth it' to take a break
Paper+Cup, San Agustin Cafe, Belfry Cafe, The Royal Cafe, Cafe Y Ruedas, Papa Kape/Facebook

Bombarded sa trabaho? Stress na sa academics? At need ng coffee break? Ito na ang sign na hinahanap mo!

Unti-unti na ring nakikilala ang Intramuros hindi lamang sa mga sikat nitong mga atraksyon, bagkus ay pati na rin sa mga coffee shops na nakatago sa makasaysayan nitong paligid.Ngayong National Coffee Break Day, narito ang ilan sa coffee shops sa Intramuros upang pansamantalang makapagpahinga. 

Cafe Y Ruedas

Isa ang Cafe Y Ruedas sa pinakabagong coffee shops na matatagpuan sa bukana ng Intramuros. Para sa sa mga gustong takasan ang “city vibes,” perfect ang Cafe Y Ruedas dahil sa green sceneries na hatid ng paligid nito. Idagdag pa ang overlooking view ng Intramuros Golf course na siya namang suwak para sa mga nagnanais na makapagnilay-nilay.

Human-Interest

Babae sa Bukidnon, agaw-buhay matapos mabagsakan ng langka

Paper + Cup

Kung gusto mo naman bitbitin ang trabaho mo o di naman kaya’y ituloy ang school works habang nagkakape, saktong-sakto naman ang Paper + Cup para sa’yo! Matatagpuan ang Paper + Cup sa ground floor ng Manila Bulletin, na puwedeng-puwede para sa mga naghahanap ng co-working space. May mga outlets at conference room din ito, magazines at artworks na tamang-tama upang ma-refresh ang mga pagod na isipan. 

San Agustin Cafe

Pinagsamang cafe at museum naman ang atake ng San Agustin Cafe. Nasa loob ito ng simbahan ng isa sa mga pinakamatatanda at makasaysayang simbahan ng St. Augustin Church sa Intramuros. Bunsod ng museum vibes nito, tahimik at cozy ang vibes sa loob ng naturang cafe na puno ng artworks at version of history!

Papa Kape

Maaari mo namang matagpuan ang Papa Kape nakatago sa makasaysayang haligi ng Fort Santiago. Alfresco dining ang handog nito kung saan mapagmamasdan ang mga puno at paligid ng Fort Santiago na ‘ika nga nila ay mapapa-reminisce ka na lang sa nakaraan.

Belfry Cafe

Tila Paris cafe naman ang atake ng Belfry Cafe na matatagpuan sa loob ng Manila Cathedral. Sa interior pa lang kasi ng nasabing cafe ay malilibang ka na mga naglalakihang kampana. Mayroon din silang alfresco dining na tanaw ang ganda ng Manila Cathedral na perfect naman na selfie spot dahil sa pagiging Intagrammable nito. 

The Royal Cafe

Mala-Mamma Mia vibes naman kung ituring ng ilan ang The Royal Cafe na nasa loob ng sikat na Casa Manila. Tamang-tama ang exterior designs nito dahil tiyak na literal na papunta ka palang sa cafe, ay puwede nang matanggal ang stress mo. Bukod sa art galleries sa loob ng Royal Cafe ay hindi ka rin titipirin nito sa Instagrammable spots sa paligid.

Ilan lamang ito sa mga naggagandahang cafe sa Intramuros na puwedeng subukan at maglibang. Kaya ano pang hinihintay mo? Ito na ang itinerary mo para maglibang at huminga sa pusod ng Maynila!

Inirerekomendang balita