Kinondena ng Malacañang ang pagpapakalat ng umano'y fake news ng kampo ng isang "former president" tungkol sa 2025 national budget na pinirmahan ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr.
Bagama't hindi pinangalanan, si dating Pangulong Rodrigo Duterte lamang ang kamakailang nagbigay-reaksyon kaugnay sa national budget. Aniya, may mali raw dito.
“For sure sa exact standard ng ating batas, lalo na money appropriations must appear true and correct value what would be application for public money. Pagka gano’n there’s something terribly wrong,” saad ni Duterte noong Sabado, Enero 18.
“As a matter of fact, kung may mga blangko ‘yan lumusot, that is not a valid legislation. Kung sa batas na ‘yan, lumabas na ‘yan ng blangko-blangko, either it could be filled up before or after,” aniya pa.
BASAHIN: FPRRD sa 2025 national budget: 'There's something terribly wrong!'
Sa isang pahayag nitong Lunes, Enero 20, kinondena ng Malacañang, sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang umano'y fake news tungkol sa national budget, na kung saan sinasabing may "blangko" sa ilang parte nito.
"Some quarters, including a former president, have maliciously peddled fake news about President Marcos having signed the GAA of 2025 with certain parts of the enactment purposely left blank to enable the administration to simple fill in the amounts like in a blank check," pahayag ni Bersamin.
"The peddling of such fake news is outrightly malicious and should be condemned as criminal. No page of the 2025 National Budget was left unturned before the president signed it into law," dagdag pa niya.
Nilinaw ni Bersamin na ang 4,057 pages ng two-volume budget ay ni-review ng mga propesyunal mula sa Kongreso at Department of Budget and Management (DBM), kung kaya't imposible raw na may "blanko" sa ilang mga funding items.
“Anyone who conducts the same rigorous examination of the 2025 National Budget — which the public can view on the DBM website — will come to the same conclusion: that there are no programs, activities, or projects with blank appropriations in that carefully vetted law,” dagdag pa niya.
“The former president and his cohorts should know better that the GAA should not contain blank items.”
Matatandaang pinirmahan ni Marcos noong Disyembre 30, 2024 ang ₱6.352-trillion 2025 national budget.
MAKI-BALITA: PBBM, nilagdaan na ₱6.352-trillion national budget sa 2025