January 20, 2025

Home BALITA

Child rights group, umapela kay PBBM tungkol sa Adolescent Pregnancy Bill

Child rights group, umapela kay PBBM tungkol sa Adolescent Pregnancy Bill
Photo courtesy: CRN, Bongbong Marcos/Facebook

Umapela ang Child Rights Network (CRN) kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa nakaambang pag-veto umano niya sa kontrobersyal na Comprehensive Sexualtiy Education (CSE).

Saad ng CRN, mas mainam umano kung lilinawin ng Pangulo kung anong parte ng nasabing bill ang hindi nito nagustuhan kaysa i-veto raw ito.

“It would be good for President Marcos to explain which parts of the bill he disagrees with because Comprehensive Sexuality Education  or CSE is just one of its components and is just a reiteration of what is already in the RH Law and the Executive Order signed by former President Duterte in response to NEDA’s declaration of teen pregnancy as a national social emergency,” anang CRN.

Matatandaang nitong Lunes, Enero 20, 2025 nang ihayag ni PBBM na hindi raw niya nagustuhan ang ilang probisyon sa Adolescent Pregnancy Bill kung saan di umano’y naglalayon daw nitong turuan ang 0-4 na taong gulang ng “bodily pressure,” at siniguro sa mga magulang, guro at mga bata na hindi raw siya papayag na maisabatas ito.

Calatagan, Batangas, niyanig ng 5.4-magnitude na lindol

“I’m already guaranteeing hindi pa napasa ito pero if this bill is passed in that form, I guarantee all parents, teachers, and children, I will immediately veto it,” saad ni PBBM.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, ibi-veto ang Adolescent Pregnancy Bill: ‘This is ridiculous’

Samantala, kasunod ng naging pahayag ng Pangulo, muli namang nilinaw ni Sen. Risa Hontiveros na wala raw sa nasabing panukala ang salitang “masturbation.”

“Mr. President, with all due respect, maliwanag na wala po sa Prevention of Adolescent Pregnancy Bill o SB1979 kahit ang salita na ‘masturbation.’ Wala din po yung ‘try different sexualities,” anang senadora. 

KAUGNAY NA BALITA: Sen. Risa kay PBBM: 'Wala po sa Adolescent Pregnancy Bill kahit ang salitang masturbation'

Samantala, kaugnay ng pahayag ng CRN, umaasa raw sila sa Pangulo na hindi raw nito tuluyang ibabasura ang nasabing panukalang batas na siyang makakatulong sa patuloy na pagtaas ng teenage pregnancy sa bansa. 

“Kami po ay umaasa na hindi niya ive-veto ang isang bill na naglalayong makapagpatapos ng pag-aaral ang teen parents, matulungan sila at ang kanilang mga anak through health services, at mabigyan ng age-appropriate at culturally sensitive information ang mga bata at kabataan para mapigilan ang teen pregnancy,” saad ng CRN. 

Hinihiling din ng CRN na marapat lamang umano na basahin ng Pangulo ang nasabing panukala bago ito tuluyang ibasura.

“Hinihiling namin sa Presidente na basahing mabuti ang bill. Wala po sa bill ang sinasabi n’yong dahilan kung bakit ito ive-veto. This bill has undergone consultations with the child rights organization responsible for advocating laws that protect the Filipino children,” giit ng CRN.