Niyanig ng 5.4-magnitude na lindol ang Calatagan, Batangas nitong Lunes ng gabi, Enero 20, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, yumanig ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 6:43 ng gabi.
Ang epicenter ay nasa lokasyong 26 kilometrong hilagang kanluran ng Calatagan, Batangas na may lalim na 74 kilometro.
Naramdaman naman sa ilang lugar sa Metro Manila ang pagyanig, lalo na sa Quezon City, sa Intensity III (mahina).
Walang naidulot na pinsala ang pagyanig subalit asahan daw ang aftershocks.